Tuwing Chinese New Year, sigaw ng karamihan – Tikoy!
Ang Tikoy ay isa na sa mga kadikit na pangalan kapag Chinese New Year ang pinag-uusapan dahil ito ay sumisimbolo ng pag-unlad, pagkakaisa ng pamilya, at magandang kapalaran pagdating sa negosyo o pera.
Pero maliban dito ay talaga namang katakam-takam ang lasa nito kaya maraming Pilipino ang nasanay na rin sa tradisyong paghahain nito tuwing Chinese New Year.
At ngayong taon, bilang selebrasyon ng Year of The Fire Horse, nagkaroon ng Chinese New Year Food Bazaar sa City Plaza ng lungsod ng Dagupan kung saan naging sentro nito ang free unli Tikoy!
Namahagi ang City Nutrition Office ng masarap na Tikoy nitong February 16, 2026 para sa mga maswerteng Dagupeños at mga bisita mula sa ibang bayan bilang pakikiisa sa naturang Food Bazaar.
Dito ay matitikman ang mga pagkaing nagpapakita ng mayamang kultura ng Filipino-Chinese Cuisine na sumasabay sa Food Innovation habang pinapanatili ang tradisyunal na lasa ng mga ito.







