Hindi na makapag-aavail ang mga pasyente ng unlimited dialysis treatment sa pamamagitan ng PhilHealth pagkatapos ng September 15.
Ito ay kasabay ng pagbawi ng anim na buwang deklarasyon ng State of Calamity sa bansa bugna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay PhilHealth Spokesperson Rey Baleña, hindi umiiral ang 90 dialysis session limitation sa ilalim ng State of Calamity.
Ibig sabihin, kahit nagamit na ng pasyente ang lahat ng kanilang libreng dialysis ay obligado ang PhilHealth na sagutin o bayaran ang mga susunod nitong sessions.
Ang mga dialysis sessions na ginawa sa bansa sa ilalim ng State of Calamity ay hindi bibilangin para sa susunod na taon.
Ang mga pasyenteng nagbayad para sa kanilang sessions sa ilalim ng state of calamity ay maaaring kumuha ng reimbursement mula sa PhilHealth offices basta mayroon silang ipapakitang resibo.