Nasa P200 million na lang ang unliquidated cash advances ng Commission on Elections (COMELEC) para sa taong 2021, na una nang nasita ng Commission on Audit (COA).
Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni COMELEC Chair Geoge Garcia na ang halagang ito ay mula sa kabuuang P600 million na una nang nasita ng COA.
Ayon sa opisyal ang P200 million na unliquidated ay as of August, 2022 na.
Kaugnay nito, sinabi ng opisyal na nagbigay na rin siya ng direktiba sa kanilang finance department na bago matapos ang taong kasalukuyan, kailangang maibaba pa sa kalahati ng halagang ito ang matitirang unliquidated cash advances ng COMELEC.
Facebook Comments