Ipinagbabawal pa rin ang “unnecessary travel” papunta at palabas ng Metro Manila.
Ito ang binigyang diin ni Lt. Gen. Guillermo Eleazar, hepe ng Joint Task Force COVID-19 Shield kasunod ng pagsasailalim sa Modified General Community Quarantine sa ilang lugar sa bansa, habang nananatili pa rin sa GCQ ang National Capital Region.
Ayon kay Eleazar, ang papayagan lang ay ang mga essential workers at mga Authorized Persons Outside Residence (APOR).
Ang iba aniyang maglalakbay palabas at papasok ng Metro Manila ay kinakailangan pa rin ng permit to travel at health certificate mula sa kanilang local government.
Binigyang diin ni Eleazar na mananatili sa pagbabantay ang mga pulis sa mga checkpoints upang maiwasan ang unnecessary travel na isa rin sa mga dahilan sa pagkalat ng COVID-19.