Unprogrammed funds sa 2025, ibinaba sa ₱158 billion

Tinapyasan sa ₱158 billion ang unprogrammed fund sa ilalim ng 2025 National Expenditure Program (NEP) mula sa kasalukuyang ₱700 billion naman ngayong taon.

Sa budget hearing sa Senado, kinumpirma ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na saklaw ng unprogrammed funds ang mga infrastructure projects na popondohan sana ng Official Development Assistance (ODA) subalit wala pang pagsang-ayon dito mula sa National Economic and Development Authority (NEDA).

Tiniyak naman ni Senate Finance Committee Chairperson Grace Poe na babantayan nilang maigi ang budget upang hindi na maulit ang nangyaring pagtataas bigla ng unprogrammed funds ngayong taon kung saan matapos ang bicam ay saka nakitaan ng pagtaas sa nasabing pondo.


Binigyang-diin ni Poe na mas magiging transparent ang bicameral conference committee meeting pagdating sa budget sa pamamagitan ng detalyadong pag-uulat ng mga pagbabago sa panukalang budget.

Bukod naman sa unprogrammed funds, nangako rin si Poe na babantayan ang Confidential and Intelligence Fund upang matiyak na ang mga karapat-dapat lamang na ahensya ang mabibigyan.

Facebook Comments