“Unpublicized China Trip” Sa China, Itinanggi Ni Dotr Sec. Tugade

6

MANILA – Mariing itinanggi ni Transportation Sec. Arthur Tugade ang pahayag ni US ambassador to the Philippines Philip Goldberg kaugnay sa umano’y “unpublicized China trip” niya nito lamang Hunyo.Ayon kay Tugade, tsismis lamang ang ulat na ito ni Goldberg dahil hindi naman siya pumunta ng Beijing sa petsang sinabi ng ambassador.Giit pa ng kalihim, anumang oras ay maaaring siyasatin ang kanyang passport para patunayang nagsasabi siya ng totoo.Una nang napabalit na pumunta ng China sina Tugade at Sen. Alan Peter Cayetano, bago pa man ang state visit ni Pangulong Duterte sa Beijing.

Facebook Comments