Manila, Philippines – Pinagsusumite na ni Justice Secretary Menardo Guevarra ng courtesy resignation ang lahat ng undersecretaries at assistant secretaries ng Department Of Justice (DOJ).
Sa Isang pahinang memorandum na pirmado ni Secretary Guevarra, inatasan nito ang lahat ng undersecretary at assistant secretary ng DOJ na magsumite na sa Pangulong Duterte ng kanilang unqualified courtesy resignation na ipadadaan sa tanggapang ng kalihim ng DOJ.
Ito ay para mabigyan ng free hand ang bagong Justice Secretary na mamili ng kanyang makakatrabaho sa Department of Justice (DOJ).
Sa ilalim ng pamumuno ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre, siya ay nagkaroon ng limang undersecretaries at anim na assistant secretaries.
Kabilang sa mga naging undersecretaries ni Aguirre sina Undersecretary. Erickson Balmes, Raymund Mecate, Reynante Orceo, Deo Marco at Antonio Kho Jr.