Ikinokonsidera ng Department of Information and Communications Technology o DICT na alisin ang ilang serbisyo ng mga unregistered SIM cards sa loob ng 90-day extension.
Ayon kay DICT Secretary Ivan Uy, dahan-dahang mawawala ang phone services ng mga subscriber na mabibigong mairehistro ang kanilang mga SIM.
Ang hakbang na ito ng DICT ay makaraan umano nilang maobserbahan na tila hindi sineseryoso ng mga tao ang deadline.
Dahil dito, pinag-aaralan ng ahensya na simulang alisin ang access ng mga subscriber, halimbawa sa Facebook o TikTok o kaya ay hindi na magamit sa pagtawag, matapos ang unang animnapung araw ng extension.
Facebook Comments