UNRESOLVED MEDIA KILLINGS | Mga special agent ng Presidential Task Force on Media Security, nagsasagawa na ng re-investigation

Manila, Philippines – Ipinakalat na sa iba’t ibang bahagi ng bansa ng Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) ang mga special agent na magsasagawa ng reinvestigation sa mga hindi pa nareresolbang media killings.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, na co-chairman ng task force, layon nilang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng ilang mga kagawad ng media.

Patunay din aniya ito na seryoso si Pangulong Rodrigo Duterte na maresolba ang mga media killings sa bansa.


Una nang sinabi ni Duterte sa kaniyang unang State of the Nation Address (SONA) na hindi niya hahayaan ang karahasan at pagsupil sa kalayaan ng pamamahayag kaya nilagdaan niya ang administrative order no. 1 o ang pagbuo ng PTFOMS.

Facebook Comments