Boracay – Iminungkahi na ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Office of the President na hatiin o ‘by phase’ ang gagawing shutdown sa isla ng Boracay.
Ito ay para maiwasan ang pagkakaputol ng operasyon ng mga negosyo at kabuhayan sa isla.
Ayon kay Senior Deputy Executive Sec. Menardo Guevarra – ang DTI proposal ay mapapabilang na sa mga dahilan na dapat ikonsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte bago nito mapagdesisyunan na ipatupad ang six-month closure.
Una rito, inirekomenda na ng Interagency Task Force na binubuo ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Tourism (DOT), at Department of Interior and Local Government (DILG) na ipatupad ang anim na buwang pagpapasara simula sa April 26 para mabigyang daan ang rehabilitasyon.
Sa ngayon, pinaliliwanag pa ng mabuti ng Malacañan sa tatlong ahensya ang kanilang rekomendasyon.