Unti-unti nang nararamdaman ang mabigat na daloy ng trapiko sa Lungsod ng Dagupan.
Sa naging panayam ng IFM News Dagupan sa ilang jeepney drivers sa lungsod, ramdam anila ang unti-unting pagdami ng mga sumasakay sa kanilang pampasaherong sasakyan.
Paliwanag ng ilan na baka raw dumadami na ang mga tao ay dahil nagmumula pa ito sa iba’t ibang bayan sa Pangasinan para bumisita sa lungsod upang mamasyal.
Ayon naman sa mga bumibisita sa lungsod,sinasamantala nila ang kanilang mga bakasyon kaugnay sa kakatapos lamang na long weekend noong nakaraang linggo.
Samantala, ayon pa sa mga motorista ramdam na rin anila ang bahagyang pagbagal na trapiko dahil sa ilang bisitang sumasakay maging ng kaliwa’t kanang konstruksyon ng mga kakalsadahan sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments