UNVACCINATED AT HINDI PA KUMPLETO NG BAKUNA KONTRA COVID-19, HINDI PA RIN PAPAYAGANG MAKAPAMASYAL SA BOLINAO

BOLINAO, PANGASINAN – Ipinagbabawal pa rin na bumisita at magtungo sa bayan ng Bolinao ang mga indibidwal at turista na hindi pa bakunado kontra COVID-19 kung saan ay pangunahing hinahanap sa lugar ay ang vaccination card batay na rin sa Provincial Executive Order No. 004-2022.
Sa inilabas na guidelines ng Bolinao Tourism at Lokal na Pamahalaan, para mga turista na mula sa mga lugar na kabilang sa Alert Level 3 ay kailangan ng valid ID at vaccination card para sa edad 12 pataas.
Ang mga edad 11 pababa, unvaccinated at hindi pa nakumpleto ang dose ng COVID-19 vaccine na mga indibidwal ay hindi papayagang magtungo at pumasok sa bayan at inabisuhan na manatili sa bahay at papayagang makapasok sa bayan kung sakaling ito ay emergency o humanitarian reasons.

Para sa mga turista naman na mula sa mga lugar na nakataas sa Alert Level 1 at 2, ay kailangan na ipakita ang valid ID at vaccination card para sa mga edad labing dalawa pataas habang ang edad 11 pababa naman ay maaaring pumasok basta maipakita ang proof of identity at vaccination card ng magulang o ng legal guardians ng mga ito.
Patuloy naman ang paghikayat ng lokal na pamahalaan katuwang ang Bolinao Tourism Office na magrehistro at mag apply para naman sa Tourist Pass na pangasinan. tarana . ph upang maaaring magamit sa contact tracing. | ifmnews
Facebook Comments