Opisyal ng ipinakita sa publiko ang opisyal na logo para sa gaganaping Lingayen Bagoong Festival 2023 matapos isagawa ang unveiling ceremony nito.
Sa inilabas na official logo ng naturang festival, makikita ang isang malaking “pasig” o tapayan na siyang sumisimbolo sa produkto ng bayan na bagoong o salted fish paste, at ang pagiging makulay naman nito ay sumisimbolo sa masayang pagdiriwang ng bayan sa kanilang selebrasyon tampok ang mga kilalang produktong bagoong ng bayan.
Asahan ang mas magandang pagdaraos ng nasabing piyesta dahil ito nga ay matutuloy na matapos ang ilang taong hindi pagdaos dulot ng pandemya.
Ang alkalde ng bayan ay umaasa na magiging maayos at masaya ang gaganaping selebrasyon dahil sa inilaang oras para sa preparasyon nito at mailaan nila sa kanilang mga kababayan ang maayos na pagdaos nito. |ifmnews
Facebook Comments