UP Academic Oval, muling ipapagamit sa publiko

72

Muling bubuksan sa publiko ng University of the Philippines (UP) ang Academic Oval.

Sa abiso ng UP Diliman Campus, maaari nang gumamit ng academic oval ang publiko mula February 15, 2021.


Ginawa ang anunsyo makaraang isara ang naturang lugar noong January 2021 dahil sa banta ng COVID-19 UK Variant.

Naglatag naman ng kondisyon ang UP Diliman Campus sa mga nagnanais gumamit sa Academic Oval.

Kinakailangang sundin ng publiko ang health at safety protocols kapag nasa loob ng Academic Oval tulad ng pagdala ng alcohol, pagsusuot ng face mask at physical distancing.

Bawal din ang mga grupo na lalampas sa sampung miyembro, habang bawal din ang mga training at racing.




Tanging mga edad 15 hanggang 65 ang papayagang makapasok sa Academic Oval at bawal din ang pagdadala ng pagkain o pagkakalat.

Facebook Comments