UP administration, sinagot ang ginawang paglusaw sa DND-UP accord

Iginiit ni University of the Philippines (UP) President Danilo Concepcion na dapat irekonsidera ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pagbasura sa kasunduan kaugnay sa hindi pagpasok ng militar sa mga campus.

Sa isang statement, sinabi ni Concepcion na walang kaukulang konsultasyon sa UP administration ang unilateral termination ng kasunduan.

Aniya, hindi ito makakatulong sa halip ay magpapalala sa ugnayan ng state forces at ng mga institusyon.


Sa halip na mapalakas, higit lamang ito lilikha ng kalituhan at kawala ng tiwala sa pulis at militar ang hakbang ng Department of National Defense (DND).

Dagdag ni Concepcion, walang dahilan para katakutan ng state forces ang academic freedom.

Facebook Comments