UP at DILG, nagkasundong po-protektahan ang academic freedom at access ng PNP sa pagpapatupad ng batas

Nagkasundo ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at University of the Philippines (UP) na i-rebyu ang 1992 UP-DILG Accord.

Kasunod ito ng resulta ng pag-uusap sa National Headquarters ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame kung saan ang Commission on Higher Education (CHED) ang naging tulay para sa nasabing dayalogo.

Dumalo sa naturang pagpupulong sina DILG Officer-in-Charge Bernardo Florece Jr. at UP President Atty. Danilo Concepcion.


Kapwa nagkasundo ang UP at DILG sa pagsusulong ng academic freedom habang hindi naman naisasakripisyo ang tungkulin ng pulis na magpatupad ng batas sa loob ng unibersidad.

Nais ng DILG ang ugnayan ng paaralan at ahensya para mabibigyan ng seguridad ang mga estudyante sa anumang banta ng karahasan.

Ang UP-DILG Accord ay pinirmahan noong panahon ng dating DILG Sec. Rafael Alunan III at dating UP President Jose Abueva matapos maisabatas ang pagtatatag ng DILG.

Noong nakaraang araw naman ay nag-usap na rin sina Defense Sec. Delfin Lorenzana at UP President Atty Danilo Concepcion para simulan ang pagtalakay sa ibinasurang UP-Department of National Defense (DND) Accord Enero 11.

Facebook Comments