Manila, Philippines – Regular na umaakyat sa bundok ang mga estudyante ng University of Philippines at Polytechnic University of the Philippines para sa immersion o pakikisalamuha sa mga miyembro ng New People’s Army.
Ito ang kinumpirma ni CALABARZON Regional Director Police Chief Supt. Edward Carranza.
Aniya batay ito sa rebelsyon ng mga sumukong NPA na mula sa Dumagat Tribe sa Kalayaan Laguna.
Dagdag pa nito, hindi paaralan ang nagpapadala sa bundok sa mga estudyante sa halip kusang loob o boluntaryo nilang itong ginagawa dahil sa ideolohiya ng komunista.
Sinisisi naman ng PNP ang mga umanoy front organization ng CPP-NPA na naguudyok sa estudyante.
Ilan aniya sa mga sumasama sa immersion ag nagiging otomatikong miyembro ng NPA dahil hindi na nakakababa sa kapatagan sa takot na maging target ng Police at Military Operation
Habang ang iba naman ay tinakot ng NPA.