Bumaba ang ranggo ng University of the Philippines (UP) at University of Santo Tomas (UST) sa 2022 Quacquarelli Symonds (QS) World University Rankings.
Batay sa rankings, ang UP ay humantong sa 399th place habang ang UST ay nasa 1,001-1,200th bracket.
Ang Ateneo de Manila University (ADMU) ay nananatili sa 601-650th rank gayundin ang De La Salle University na nasa 801-1,000 bracket.
Ayon kay QS Research Director Ben Sowter, ang apat na unibersidad ay mahina ang performance pagdatig sa research at internalization indicators
Ang Massachusetts Institute of Technology (MIT) sa Estados Unidos ang nangunguna sa world rankins, habang nasa 2nd spot ang Oxford University.
Tabla sa ikatlong pwesto ang University of Cambridge at Standford University.
Bumaba sa ikalimang pwesto ang Harvard University na dati ay pasok sa top 3.