UP Baguio, mag-aalok na rin ng Ph.D sa Indigenous Studies

83

Magkakaroon na ng Doctor of Philosophy (PhD) in Indigenous Studies sa University of the Philippines (UP) Baguio.

Sa pahayag ng UP Baguio, layunin nito na lumikha ng mga graduate na may kakayahang magturo, magsanay at manaliksik ng mga programang tumatalakay sa mga issue ng indigenous people.

Ang nasabing doctorate program ay maaaring matapos sa loob ng tatlong taon kung full-time at apat na taon naman kung part-time.


Ilan sa mga core subject ng naturang programa ang Indigenous Studies, Indigenous Knowledge, Indigenous Research Methodologies, Directed Readings in World Ethnographies, Historical Construction of Being and Becoming Indigenous, Perspectives on Indigenous Languages at Indigenous Management of Resources.

Facebook Comments