“Up” dance cover ni AC Bonifacio, tumawag-pansin sa American rapper at songwriter na si Cardi B

Nakaagaw-pansin sa American rapper at songwriter na si Cardi B ang “Up” dance cover ng Canadian dancer na si AC Bonifacio.

Ito ay matapos ilabas ni AC ang kaniyang cover nitong weekend kung saan ilan sa mga bahagi nito ay nasa kaniyang Instragram account habang nasa YouTube ang full video.

Ibinahagi ni Cardi ang cover ni AC sa mismong Instagram nito na nagdulot ng cloud nine moment kay AC.


Agad naman itong ibinahagi ni AC at may caption pang nagpapasalamat sa American rapper at songwriter.

Maliban sa “UP,” una ng ginawan ng cover ni AC ang “Pretty Savage” at “Lovesick Girls” ng BLACKPINK kung saan nagwagi pa itong 2nd place sa BLACKPINK’s “How You Like That” dance cover contest noong 2020.

Facebook Comments