UP Diliman Council, nanawagang ibalik ang 1989 accord

Umapela ang University of the Philippines (UP) Diliman Council na ibalik ang 1989 accord nila sa Department of National Defense (DND).

Ito ang panawagan ng konseho kasabay ng kanilang apelang itigil ng pamahalaan ang pagre-red tag ng mga miyembro ng UP Community.

Ayon sa UP Diliman Council, ang paglusaw sa kasunduan at walang habas na pagbibigay ng brand sa mga faculty, staff at estudyante bilang mga kalaban ng estado ay banta sa kanilang academic freedom, na protektado sa ilalim ng UP Charter.


Nanawagan sila kay Defense Secretary Delfin Lorenzana na bawiin ang deklarasyon nitong bawiin ang UP-DND agreement.

Dapat ihinto ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang red-tagging nito sa mga miyembro ng kanilang komunidad at gumawa ng kongkretong hakbang para panagutin ang mga responsible sa pagre-red tag sa mga miyembro ng kanilang komunidad.

Mahalaga ring magpatuloy ang dayalogo sa pagitan ng UP at DND na may buong partisipasyon ng faculty, estudyante at iba pang miyembro ng UP community.

Facebook Comments