Inirekomenda ni Senator Richard Gordon na ibalik muna ang pagpapatupad sa tinapos na kasunduan sa pagitan University of the Philippines (UP) at Department of National Defense (DND).
Mungkahi ito ni Grodon, sa report na may ikinakasang dayalogo ang Commission on Higher Education (CHED) sa pagitan ng UP at DND.
Ikinatwrian ni Gordon na dapat magkaroon ng dayalogo dahil ang UP-DND Accord ay bilateral at hindi makatwiran na mag-isa at biglaan lang itong lusawin ng DND.
Si Gordon ay isa sa walong mga senador na nagsulong ng Senate Resolution number 616 na tumututol sa termination ng kasunduan.
Facebook Comments