UP-DND accord, hindi isang ‘diversionary tactic’ – Palasyo

Pinasinungalingan ng Malacañang na isang ‘diversionary tactic’ mula sa ibang isyu ang pagbasura sa kasunduan sa pagitan ng University of the Philippines (UP) at Department of National Defense (DND).

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi totoong ginagamit ang abrogation ng 1989 accord para ibaling ang atensyon ng publiko mula sa iba pang isyu kabilang ang pabili ng Sinovac vaccines.

Sinabi rin ni Roque na handa siyang mamagitna sa pag-uusap sa pagitan ng DND at ng UP para talakayin ang kasunduan.


Una nang sinabi ni Roque na suportado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na ipawalang bisa ang kasunduan.

Facebook Comments