Iginiit ng Commission on Higher Education (CHED) na nirerebisa ang mga kasunduan para umakma ito sa nagbabagong panahon.
Ito ang pahayag ng komisyon matapos ipawalang bisa ang 1989 accord ng University of the Philippines (UP) at Department of National Defense (DND).
Ayon kay CHED Chairperson Prospero De Vera, hindi nakataga sa bato ang kasunduan na hindi na mapapalitan habambuhay.
Paliwanag pa ni De Vera, habang nagbabago ang mundo, kailangang magkaroon ng adjustments sa mga kasunduan.
May mga bagay aniya na kailangang ayusin lalo na sa mechanism at operational guidelines.
Partikular na tinukoy ni De Vera ang kawalan ng Joint Monitoring Team.
Paglilinaw rin niya na wala siyang sinabi na depektibo ang kasunduan, ang mekanismo sa pagpapatupad nito ang may problema.
Kung walang isyu sa UP-DND accord, tanong ni De Vera kung bakit hindi kailanman nagpulong ang Joint Monitoring Team sa UP Board of Regents.
Nag-alok na ang CHED na tutulong sa dayalogo sa pagitan ng UP at DND.