UP-DND Accord, napapanahon nang rebyuhin ayon sa CHED

Suportado ng Commission on Higher Education (CHED) ang Department of National Defense (DND) sa pagsusulong na ibasura na ang UP-DND Accord na napagtibay noong 1989.

Ayon kay CHED Chairman Prospero De Vera III, hindi naiiwasan na magkaroon ng pagrerebyu sa isang kontrata kapag tumatagal ang panahon.

Dahil aniya sa pagbago ng mundo ay nagkakaroon na rin ng ilang mga pagbabago sa mga unibersidad at pamantasan.


Naniniwala rin si De Vera na noon pa man ay nakatadhana ng magkakaroon ng problema ang UP-DND Accord.

Bagama’t hindi tinitingnan ng CHED Chairman na may depektibo sa kasunduan, mayroon umanong depektibo sa usapin ng guidelines o kung papaano ito ipatutupad.

Una nang bumuo si De Vera ng mga educational expert para pag-aralan ang ibig sabihin ng academic freedom na naging ugat ng pagkansela sa UP-DND Agreement noong January 18, 2021.

Facebook Comments