UP experts, nagbabala na umabot hanggang Verde Island Passage ang oil spill mula Oriental Mindoro

Pinangangambahang lalo pang kumalat ang oil spill mula sa lumubog na oil tanker sa Naujan, Oriental Mindoro.

Batay sa bulletin na inilabas ng University of the Philippines Marine Science Institute (UPMSI), posibleng umabot sa Verde Island Passage ang langis sa Huwebes, March 16.

Paliwanag ng mga eksperto, dahil sa humihinang amihan, ilan sa mga langis ang posibleng dumaloy pa-hilaga papunta sa Verde Island Passage na makaaapekto sa coastal areas ng Calapan, Verde Island at ilan pang bahagi ng Batangas.


Ang Verde Island Passage ay matatagpuan sa pagitan ng Mindoro at Batangas at kinikilala bilang sentro ng global shore-fish biodiversity.

Nabatid na apektado na rin ng oil spill ang Caluya, Antique at Taytay, Palawan.

Kung hindi mapipigilan ay posibleng umabot ang oil spill sa Cuyo Island hanggang sa northern Palawan mainland sa mga susunod na araw.

Facebook Comments