UP graduate na naging NPA, naaresto sa enkwentro sa Rizal, Nueva Ecija

Nahuli ng tropa ng 84th Infantry (Victorious) Battalion ang isang UP graduate na naging NPA leader sa enkwentro sa Barangay Estrella, Rizal, Nueva Ecija.

Kinilala ni 7ID spokesperson Maj. Amado Gutierrez, ang nadakip na NPA leader na si Redsa Balatan alyas sining/Julia/lea, ang Political instructor at Deputy Secretary ng Komiteng Larangang guerrilla Sierra Madre, na nag-ooperate sa Nueva Ecija At Nueva Viscaya.

Si Balatan ang isa sa apat na sugatang terorista at kabilang sa 5 nahuling NPA ng militar matapos ang 15 minutong bakbakan, kung saan 2 NPA ang patay.


Nakuha ng mga sundalo sa encounter site ang 2 M16 rifles, 3 caliber .45 pistols, isang hand grenade, 15 M16 magazines, 2 .45 pistol magazines, 2 handheld Motorola radios, 14 cellphones, isang Samsung tablet, subversive documents at extortion letters.

Dismayado naman Major General Lenard T. Agustin AFP, ang Commander of the 7th Infantry Division sa nagiging kahinatnan ng mga matatalinong estudyante ng mga unibersidad tulad ni Balatan na napabilang sa NPA, na ang karamihan ay nakabaon nalang sa mga hindi markadong libingan sa mga kabundukan.

Nanawagan naman si Agustin sa mga miyemro ng “Academe” na suriing mabuti kung ano ang naituturo sa mga kabataan sa mga paaralan na dahilan para sa kanilang sumama sa NPA.

Facebook Comments