UP, kuntento sa performance ng kanilang mga estudyante sa 2019 Bar Exam

Kuntento at ipinagmamalaki pa rin ng University of the Philippines (UP) ang ipinakitang performance ng kanilang mga estudyante sa Bar Exams.

Kahit wala sa Top 10 ng mga bagong pasadong abogado, natutuwa pa rin ang pamunuan ng pamantasan dahil lumikha ng kasaysayan sa Bar Exam ang mga UP students na may pinakamataas na passing rate.

Sa inilabas na datos ng College of Law-Bar Operation Commission ng UP, nakapagtala ito ng 83.93% ng overall passing rate.


84.25% naman ang passing rate para sa mga first time takers o mga bagong graduate na unang beses pa lamang kumuha ng Bar Exams.

Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na naitala sa UP na hindi napasama sa Top 10 ang kanilang mga Bar passers.

Sa kabila nito, ipinaabot pa rin ng UP ang kanilang pagbati sa lahat ng mga nanguna at bagong abogado sa katatapos na Bar Examinations kasabay ng pakiusap na paglingkuran ang bayan sa anumang panahon.

Facebook Comments