Pumasok ang University of the Philippines (UP) sa top 100 ng 2019 Times Higher Education (THE) Asia University Rankings.
Ang UP ay nasa ika-95 pwesto sa rankings, umangat ng 61 pwesto mula sa dating 156th place noong 2018.
Ayon sa UP Office of the Vice President for Academic Affairs, mula pa noong 2017 ay napabilang na ang pambansang unibersidad sa Asia rankings pero ito ang kauna-unahang pagkakataon na makapasok sila sa top 100.
Ang UP ay isa sa limang unibersidad sa timog-silangang Asya ang nakapasok sa top 100, kabilang ang dalawang unibersidad sa Singapore at ang dalawa sa Malaysia.
Ang rankings ay ibinase sa 13 indicators ng world university rankings na igrinupo sa limang kategorya:
- Teaching (learning environment)
- Research (volume, income and reputation)
- Citations (research influence)
- International outlook (staff, students, and research)
- Industry income (knowledge transfer)
Samantala, pasok sa 251-300 ranking ang De La Salle University.