Umapela sa mga COVID-19 survivors ang pamunuan ng UP-PGH na mag-donate na rin ng kanilang dugo o plasma na gagamiting antibodies para sa mga pasyenteng patuloy na nakikipaglaban sa COVID-19.
Sinabi ni UP-PGH Spokesman Dr. JONAS del Rosario, na sa ngayon, umabot na sa 60 COVID survivors ang nagpahayag ng kahandaang mag-donate ng kanilang plasma.
Pero sa naturang bilang, 21 pa lamang ang pumasa sa screening ng ospital.
Samantala, 19 ang COVID-19 survivors na ang nakapag-donate at 9 na ang mga recipients o mga tumanggap ng plasma donations.
6 sa mga recipients ay pasyente sa UP-PGH, isa sa Manila Doctors Hospital at dalawang pasyente naman sa Asian Hospital.
Nilinaw din ni Dr. Del Rosario na ang mga survivor ay hindi na nakakahawa.
Facebook Comments