UP police, hindi kayang solusyunan ang problema ng mga UP students

Hindi kaya ng University of the Philippines police para tugunan ang problema ng mga estudyante ng UP.

Pahayag ito ni Chairman Prospero Popoy de Vera ng CHED sa isinagawang press conference sa Camp Crame matapos ang pagtanggi ng UP na magpatrolya ang mga pulis sa unibersidad.

Sinabi ni de Vera, matagal nang may problema sa iligal na droga sa UP Campus pero wala umano itong nakikitang kongkretong hakbang para ito ay masolusyonan maging ang problema aniya sa extremism ay kailangan din daw matugunan sa UP Campus.


Sa katunayan ay nais ni de Vera na magsagawa ng imbestigasyon ang media at patunayan na walang kakayahan ang UP Police kaya at kailangan ang PNP sa UP.

Naniniwala si de Vera, mas may kakayahan ang PNP na tugunan ang problema sa illegal drugs sa mga estudyante ng UP at usapin ng extremism.

Facebook Comments