UP professors na nagbigay ng bagsak na grado sa pamahalaan sa COVID-19 response, welcome na sumali sa IATF

Bukas ang pamahalaan na ipasok sa coronavirus task force ang mga propesor ng University of the Philippines (UP) na nagbigay ng bagsak na grado sa COVID-19 response.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, iniimbitahan nila sina UP Diliman Chancellor Michael Tam, Joshua San Pedro ng Coalition for People’s Right to Health at Edelina Dela Paz ng Health Alliance for Democracy sa tumulong sa pamahalaan sa paglaban sa pandemya.

Aniya, welcome sila na sumali sa grupo ng mga eksperto na nasa Inter-Agency Task Force (IATF).


Pinagkakatiwalaan ng IATF ang mga input ng UP experts, partikular ang kanilang forecast sa COVID-19 situation.

Facebook Comments