“Up-skilling” at “re-skilling” sa kakayahan ng mga manggagawa, tututukan ng administrasyong Marcos kasunod ng pagbaba ng unemployment rate sa bansa

 

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagpapatupad ng iba’t ibang hakbang ng gobyerno para makalikha ng mas marami pang oportunidad sa trabaho at mapasigla ang ekonomiya ng bansa.

Ito’y matapos bumaba sa 3.1% mula sa naitalang 3.6% noong Nobyembre 2023, ang unemployment rate sa bansa nitong December 2023.

Ayon kay Pangulong Marcos, ikinatutuwa niya ang paglago ng labor force participation rate (66.6%), employment rate (96.9%), gayundin ang pagbaba ng unemployment rate (3.1%) at underemployment rate (11.9%) sa bansa.


Kaugnay aniya ito sa masiglang paglago sa industriya ng bansa partikular na sa sektor ng konstruksiyon, agrikultura, at serbisyo.

Dahil dito, tututukan daw ng kaniyang administrasyon ang “up-skilling” at “re-skilling” sa kakayahan ng mga manggagawa.

Nangako rin si Pangulong Marcos na patuloy na ipatutupad ang demand at supply side interventions, kabilang ang mga pro-investment reforms at strategic partnerships, para makahikayat ng mas maraming investors sa Pilipinas.

Facebook Comments