UP students, pumalag kay Pangulong Duterte sa bantang defunding

Pumalag ang mga student leaders ng University of the Philippines (UP) kay Pangulong Rodrigo Duterte nang magbanta itong tatapyasan ng pondo ang unibersidad kasunod ng panawagang academic strike ng mga estudyante ng Ateneo de Manila University.

Ayon kay Froilan Cariaga ng Univeristy Student Council, ang COVID-19 pandemic at serye ng mga kalamidad ay nakaapekto at hamon sa pagpapatupad ng distance learning.

Para naman kay Anakbayan UP Diliman Spokesperson Ajay Lagrimas, patunay lamang na isang fascist ang Pangulo.


Wala aniyang intensyon si Pangulong Duterte na magsilbi sa bayan at inaatake ang mga kabataan ng mga walang basehang akusasyon.

Dagdag pa ni Lagrimas, mas nahihikayat pa ang mas maraming estudyante na lumabas sa mga kalsada dahil sa mga ginagawang aksyon ng Pangulo at patuloy na pagpapabaya.

Facebook Comments