UP, umangat sa World University Rankings

Umangat ang ranggo ng University of the Philippines (UP) sa pinakabagong Quacquarelli Symonds (QS) World University Rankings.

Mula sa 384th spot, tumaas ng 28 pwesto ang UP na ngayon ay pang-356 na.

Ito ay mula sa kabuuang isang libong institusyon sa buong mundo.


Ayon sa UP Office of the Vice President for Academic Affairs – ito na ang pang-apat na beses na umangat ang ranggo ng UP at pinakamataas na standing na natamo ng unibersidad.

Nasa rank 601 hanggang 650 naman ang Ateneo de Manila University (ADMU) habang kapwa nasa rank 801 hanggang 1000 ang University of Santo Tomas (UST) at De La Salle University (DLSU).

Top spot naman ang Massachusetts Institute of Technology (MIT).

Pasok din sa top 10 ang Stanford University, Harvard University, University of Oxford, California Institute of Technology, ETH Zurich Swiss Federal Institute of Technology, University of Cambridge, University College London, Imperial College London at ang University of Chicago.

Facebook Comments