UPDATE │Cogie Domingo, isinasailalim na sa imbestigasyon sa Camp Vicente Lim

Manila, Philippines – Isinasailalim na sa masusing imbestigasyon ng PDEA Region 4A ang 32 anyos na si actor na si Cogie Domingo matapos maaresto sa isang drug buy bust operation .

Ayon kay kay PDEA region 4-A deputy regional director Lexinton alonzo, nasa pangangalaga na ng pdea r camp sa Vicente Lim, sa Calamba laguna, si domingo at ihaharap mamaya sa Media.

Inaresto si Cogie matapos maaktuhang bumibili ng ng hindi pa madeterminang dami ng shabu sa BF Homes Parañaque City


Kasama niyang naaresto ang isang babae na sinasabing misis ni Cogie.

Matagal nang pahinga sa showbiz si Domingo.
Nakilala ito ng husto nang gampanan ang papel bilang 16-anyos na robbery suspect sa pelikulang ‘Deathrow” noong taong 2000.

Facebook Comments