UPDATE │Isa pang pulis na kasamahan ng apat na napatay kanina sa Carmona, Cavite – sumuko!

Manila, Philippines – Sumuko na sa mga tauhan ng PNP Anti-Kidnapping Group ang isa pang pulis na kasamahan ng apat na miyembro ng kidnap for ransom group na napatay kaninang madaling araw sa Carmona Cavite.

Ito ang kinumpirma ni Police Sr. Supt. Glenn Dumlao ang hepe ng PNP AKG.

Kinilala ang sumukong suspek na si SPO1 Benjamin Pagarigan ng QCPD District Holding Support Unit.


Ayon kay Dumlao, sumuko ito kanina matapos na mapatay ang apat nilang kasamahan sa Carmona, Cavite,

Sa ngayon may dalawa pang suspek ang nakakalaya ito ay isa pang pulis at tipster sa casino.

Kanina una nang naiulat na nasawi sina PO3 Rodel Estonactoc, na siyang lider ng grupo, PO1 Ramil Espejo, PO1 Rolando Albios , at ang civilian Asset na si Erwin Escobido.

Ang grupong ito ang itinuturong suspek sa Kidnapping at pagpatay kay Carlos Tan na isang Casino Junket Operator noong Oct 21.

Facebook Comments