UPDATE │Mga nasawi sa anti-kidnapping operation sa Carmona Cavite, kinilala na

Manila, Philippines – Kinilala na ng PNP Anti-Kidnapping Group ang apat na napatay sa kanilang Anti-Kidnapping Operation sa Carmona, Cavite kaninang madaling araw.

Ayon kay Pssupt. Glen Dumlao – Dir. ng PNP AKG, ito ay sina PO3 Rodel EstonactoC , PO1 Ramil Espejo, PO1 Rolando Albios , Erwin Escobido-civilian asset.

Sa tatlo ay si ESTONACTOC ang nasa Active Service at siyang pinuno ng grupo habang Drop from the Rolls sina Espejo at Albios.


Magkakaklase umano ang mga ito sa kanilang training sa pagka pulis.

Ang apat ang itinuturong suspek sa pagdukot at pagpatay sa Casino Junket Operator na si Carlos Tan.

Dinukot si Tan noong Oct 21 at hiningan ng 50 Milyong pisong ransom ang biktima.

Nagkaroon ng negosasyon para ibaba ito sa limang milyong piso.

Naputol ang negosasyon hanggang sa natagpuan ang bangkay ng biktima sa Tagaytay City.

Facebook Comments