Manila, Philippines – 19 na katao pa lamang ang kinumpirmang patay ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kasunod ng pananalasa ng bagyong Urduja.
Sa interview ng RMN kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan – magsasagawa sila ng response cluster meeting para magbigay ng update sa mga importanteng datos mula sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno.
Sa tala ng Biliran PDRRMO, nasa 26 ang bilang ng naiulat na patay habang 23 naman ang nawawala.
Kasabay nito, isailalim ang Biliran sa state of calamity dahil sa bagyo, na patuloy na nananalasa sa mga lugar sa Eastern Visayas.
Facebook Comments