Manila, Philippines – Walong pamilya ang wala ngayong masilungan matapos masunog ang walong kabahayan sa Brgy. San Vicente, Quezon City.
Ayon kay Fire Supt Manuel Manuel ng BFP-Quezon City, Nagsimula ang sunog ala una trese sa may No.24A Lourdes st. Brgy San Vicente.
Nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag na bahay na pag aari ng isang Kristina Magno Areno.
Dahil gawa sa light materials ang bahay, mabilis itong kumalat at nadamay ang mga katabing bahay.
Umabot ng ikalawang alarma bago ganap na naapula bandang alas dos ng hapon.
Hindi pa matiyak ang sanhi ng sunog at tinatayang nasa 150,000 ang halaga ng nasunog na aria-arian.
Wala namang nasugatan sa sumiklab na sunog.
Facebook Comments