UPDATE | Bagyong Samuel, napanatili ang lakas at tutumbukin ang Dinagat-Samar-Leyte area

Manila, Philippines – Napanatili ng tropical depression Samuel ang lakas nito at inaasahang magla-landfall sa Dinagat-Samar-Leyte area mamayang gabi.

Ito ay huling namataan sa layong 395 kilometers silangan ng Surigao city, Surigao del Norte.

Nasa 55 kilometers per hour ang lakas ng hangin nito at ang pagbugso ay nasa 65 kph.


Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kph.

Nakataas ang *tropical cyclone warning signal number 1 *sa sumusunod:

MASBATE (KASAMA ANG TICAO ISLAND)
ROMBLON
SOUTHERN ORIENTAL MINDORO
SOUTHERN OCCIDENTAL MINDORO
NORTHERN PALAWAN (KASAMA ANG CUYO ISLAND AT CALAMIAN GROUP OF ISLANDS)
NORTHERN SAMAR
EASTERN SAMAR
SAMAR
BILIRAN
LEYTE
SOUTHERN LEYTE
BOHOL
CEBU
SIQUIJOR
NEGROS ORIENTAL
NEGROS OCCIDENTAL
GUIMARAS
ILOILO
CAPIZ
AKLAN
ANTIQUE
DINAGAT ISLANDS,
SURIGAO DEL NORTE
SURIGAO DEL SUR
AGUSAN DEL NORTE
AGUSAN DEL SUR
MISAMIS ORIENTAL
CAMIGUIN

Ayon kay DOST-Pagasa Weather Specialist Chris Perez – asahan ang malalakas na ulan na posibleng magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa sa CARAGA region, Northern Mindanao, buong kabisayaan, at Bicol region.

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo sa Biyernes ng umaga.

Facebook Comments