UPDATE | Bangkay ng Lalaking Natagpuan sa Loob ng Balon Sa Cauayan City, Huhukayin Upang Isailalim sa Autopsy!

467

Cauayan City- Isasailalim sa autopsy ang bangkay ng isang lalaking natagpuan sa loob ng isang balon sa Dacanay St. Extension, San Fermin Cauayan City kamakaylan.


Sa panayam ng 98.5 RMN Cauayan kay Police Captain Esem Galiza ang taga pagsalita ng Cauayan City Police Station ay ilalabas ng SOCO team ngayong araw mula sa kanyang puntod ang bangkay ng biktimang si Edward Dalog para sa karagdagang pagsisiyasat upang malaman kung ilang saksak ang natamo at kung ano pa ang sanhi ng pagkamatay nito.

Matatandaan na Abril 27 ngayong taon ng naibalitang narekober ng mga otoridad ang bangkay ng biktima na nakasilid sa loob ng isang balon matapos itong saksakin ng walong suspek at batay sa inisyal na pagsisiyasat ay halos isang buwan na itong nawawala.

Kahapon ay nagsadya naman sa tanggapan ng Cauayan City Police Station ang magulang ng biktima upang pormal na maghain ng kaso laban sa mga suspek habang isa mula sa mga ito ay lumutang upang magwitness at magbigay ng pahayag kaugnay sa nangyaring insidente ng pagkakapaslang sa biktima.

Batay pa sa imbestigasyon ay nag-inuman ang biktima at ang mga suspek kung saan ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan na naging dahilan upang bugbugin si Dalog at isa sa mga pinaghihinalaan ang sumaksak dito at pinagtulungan nilang ihulog sa loob ng balon.

Facebook Comments