UPDATE | Bilang ng mga bangkay na narekober sa Itogon landslide, umabot na sa 75

Itogon Benguet – Pumalo na sa 75 ang kumpirmadong patay habang 35 pa ang nawawala sa landslide sa Barangay Ucab, Itogon Benguet.

Ayon kay search rescue and retrieval cluster head Brigade General Leopoldo Imbang Jr., 200 metro pang lawak ng putik ang kailangang tanggalin para mahanap ang iba pang nawawalang residente.

Kasabay nito, ipinag-utos na ni Itogon Mayor Victorio Palangdan ang pre-emptive evacuation sa Barangay Ucab dahil sa paparating na bagyong Paeng.


Kasunod ito ng abiso mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na dapat palikasin ang mga residente.

Sabi ni Palangdan, magsagawa sila ng forced evacuation kung mayroong magmamatigas na mga residente.

Batay sa Mines and Geosciences Bureau (MGB), maituturing na nasa “danger zone” ang Barangay Ucab kung saan maraming bitak-bitak sa lupa, na maaaring gumuho kapag malakas ang ulan.

Facebook Comments