UPDATE | Bilang ng mga nasawi sa wildfire sa California, umakyat na sa 63

California, USA – Umakyat na sa 63 ang bilang ng mga nasawi sa nagpapatuloy na wildfire sa California, USA. Habang nasa 630 indibidwal naman ang nawawala.

Ayon sa California Department of Forestry and Fire Protection, maaari pang madagdagan o mabawasan ang bilang ng mga nawawala, dahil posible anila na mayroon mga survivors ang hindi pa naipagbibigay alam sakanilang pamilya ang kanilang kalagayan.

Nagpapatuloy naman ang paghahanap ng search teams sa mga katawan at mga bagay na posibleng mayroong human DNA para sa identification purposes.


Sa kasalukuyan, nasa 45% contained na ang apoy, kung saan nakakatulong sa ginagawang pag-apula nito ang bahagyang paghina ng hangin.

Tinatayang aabot na sa 12,000 bahay at gusali ang tinupok ng apoy na sa Paradise, California, na mabilis na kumalat dahil sa hangin at mga puno.

Itinuturing ang wildfire na ito, bilang isa sa pinakamapaminsalang wildfire na naganap sa California.

Facebook Comments