UPDATE | CA Justice Manuel Barrios, nanguna sa associate justice post

Manila, Philippines – Natapos na ang botohan ng JBC para sa SC Associate Justice post na binakante ni retired CJ Teresita De Castro.

Nanguna sa botohan ng ng JBC si Court of Appeals Justice Manuel Barrios – 6; sumunod sina Japar Dimaampao – 6; Ramon Garcia – 6; Ed De Los Santos – 6 ; Apolinario Bruselas – 6; Amy Javier – 6 at Rosmari Carandang 5.

Sa Botohan ng Supreme Court justices, nanguna rin si Barrios.


Sumunod naman kay Barrios na nakakuha ng 12 votes, ang kanyang mga kapwa CA Justices na sina Rosmari Carandang -11 votes, Japar Dimaampao -10, Ramon Garcia-9 votes, Edgardo Delos Santos-8, Apolinario Bruselas-7 at Amy Lazaro-Javier na may anim na boto.

Nakakuha rin ng anim na boto si dating Ateneo Law School Dean Cesar Villanueva.

Labing-dalawa ang mga aplikante sa nasabing pwesto at ngayong araw ilalabas ng Judicial and Bar Council (JBC) ang kanilang shortlist na isusumite sa Pangulong Duterte.

Facebook Comments