UPDATE | Debate sa impeachment complaint laban sa mga justices ng SC

Manila, Philippines – Nagpapatuloy pa rin ang debate ng House Committee on Justice kaugnay sa pagtukoy kung may sapat na “substance” ang inihaing impeachment complaint nila Albay Rep. Edcel Lagman, Magdalo Rep. Gary Alejano at Ifugao Rep. Teddy Baguilat laban kina Supreme Court Chief Justice Teresita de Castro at sa 6 na Justices.

Ito na ang ikalawang pagdinig ng impeachment complaint laban sa mga Justices ng Korte Suprema kung saan pagbobotohan kung “sufficient in substance” ang reklamong inihain ng mga complainants.

Iginiit ni Lagman na ang kanilang reklamo laban sa mga Justices ay sufficient in substance dahil nakapaloob dito ang mga recital of facts na nagpapatunay na lumabag sa konstitusyon at nag-commit ng betrayal of public trust ang mga justices nang desisyunan ang quo warranto petition laban kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.


Bukod sa hindi nag-inhibit ang lima sa mga justices sa pagtestigo noon sa impeachment ni Sereno, naging bias din ang mga ito sa pagboto sa quo warranto petition.

Kinontra naman nila Angkla Rep. Jess Manalo, Cavite Rep. Strike Revilla, Misamis Occidental Rep. Henry Oaminal, AKO BICOL Rep. Alfredo Garbin, Kabayan Rep. Ron Salo, 1-SAGIP Rep. Rodante Marcoleta at COOP NATCCO Rep. Anthony Bravo ang statement ni Lagman kung saan sinabi ng mga ito na i-dismiss ang impeachment complaint sa mga Justices.

Hindi umano sapat na basehan ang pagboto sa quo warranto para ipa-impeach ang mga mahistrado kaya wala itong sapat na substance.

Samantala, kinatigan naman ni Siquijor Rep. Rav Rocamora si Lagman kung saan sinabi nito na naging ‘impartial’ ang mga justices nang tumestigo ang mga ito laban kay Sereno kaya may sapat na substance ang reklamo.

Aniya, isa sa mandato kapag isang Justice ay dapat impartial ito sa mga gagawing hakbang at desisyon.

Nilinaw naman ni Lagman na hindi nila pinababaligtad ang desisyon sa quo warranto kay Sereno kundi nais lamang nila na mapanagot ang mga justices sa mga paglabag na ginawa sa ilalim ng saligang batas sa pamamagitan ng impeachment proceeding.

Facebook Comments