UPDATE | DOJ, pinaiimbestigahan na sa NBI ang nangyaring pagpatay sa 5 PDEA agents

Manila, Philippines – Inatasan na ng Department of Justice (DOJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) para imbestigahan ang pagpatay sa limang tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Kapai, Lanao del Sur nitong Biyernes (October 5).

Kabilang sa mga biktima ay sina Kenneth Tabulo, Kristine May Torlao, Joy Amar, Binzo Dipolla at Diobel Pacinio na pawang PDEA-ARMM agents.

Ayon kay DOJ Secretary Menardo Guevarra – ipinag-utos na niya kay NBI Director Dante Gierran ang parallel investigation sa nangyaring ambush at tukuyin kung sino ang mga responsable sa pagpatay.


Aniya, pinabubuo rin sa NBI ang matibay na kaso laban sa mga indibidwal o grupo na nasa likod ng insidente.

Ipinaprayoridad ni Guevarra sa NBI ang kaso.

Facebook Comments