Manila, Philippines – Tiniyak ni Assistant Sectary for the Office of the Secretary Glenda Relova na magpapatuloy ang paghahatid ng serbisyo sa ahensya kabila ng pagkasibak ng tatlong assistant secretaries nito.
Kabilang kasi sa mga puwestong ito ay may kaugnayan sa disaster response management ng gobyerno.
Gayunman, itinatanggi ni Undersecretary for Disaster Response Management Hope Hervilla na sinibak siya bagkus iginiit niya na tinanggap mismo ng Pangulo ang kanyang resignation.
Samantala, November 14 pa ay opisyal na umanong binitawan nina Undersecretary for Protective Programs Mae Fe Templa at Undersecretary for Promotive Programs Maria Lourdes Turalde-Jarabe ang kanilang mga posisyon.
Ayon kina Templa at Jarabe, hindi na sila puwedeng magpatuloy na magsilbi sa Pangulo dahil sa kawalan na ng pagtitiwala sa kanila.