Aabot na sa halos ₱15 milyong halaga ng relief assistance ang naipaabot sa mga naapektuhan ng bagyong Ompong.
Sa huling datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), nasa ₱14.864 million ang kabuoang halaga ng ayuda.
Nasa 147,540 na pamilya o 591,762 na indibidwal ang naapektuhan sa 2,738 barangay, 433 lungsod at munisipalidad at 31 lalawigan sa National Capital Region (NCR), Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa at Cordillera.
Nanatili pa rin sa evacuation centers ang nasa higit 50,000 pamilya o halos 200,000 indibidwal.
Facebook Comments