UPDATE | Human error, itinuturong dahilan sa banggaan ng 2 maintenance vehicle ng MRT-3

Human error at kakulangan ng komunikasyon sa mga personnel ang nakikita ngayon na dahilan sa nangyaring banggaan ng dalawang maintenance vehicle ng Metro Rail Transit – 3 kahapon ng madaling araw.

Sa aksidente, pitong personnel ng MRT ang nasugatan nang magbanggaan ang dalawang “unimogs” habang nagsasagawa ng routine check sa riles sa bahagi ng Buendia at Guadalupe stations.

Sa interview ng RMN Manila kay MRT-3 Director for Operations Mike Capati – ipinaliwanag niya na hindi napansin ng isang driver na mayroon pang mga gumagawang crew sa bahagi ng Buendia at Guadalupe station.


Tiniyak naman ni Capati na pananagutin ang mga responsable sa insidente.

At upang hindi na maulit ang aksidente, bukod sa umiiral na standard operating procedure, nagpatupad na rin ang MRT ng mga karagdagang safety protocol para matiyak na hindi na mauulit ang aksidente.

Samantala, nasa maayos ng kalagayan ang isa sa pitong MRT-3 personnel matapos na maoperahan makaraang mabali ang kanyang balikat.

Facebook Comments